YOU may NOt like it, not my PROBLEM anymore!

Wednesday, April 28, 2010

biyaheng bicol


Catanduanes---> syempre para sakin isa sa pinakamagandang isla sa buong Pilipinas. Sino ba namang mag-aangat sa sarili mong pinagmulan kundi ikaw lang. Madali lang pumunta kung sasamahan mo ng tiyaga. Tiyaga para sa higit 19 na oras na biyahe. Masakit man sa pwet ang mahabang pag-upo sa bus peru isipin niyo na lang ang ganda ng lugar siguradong mag-eenjoy ka. Para makapunta ka sa Catanduanes kailangan sumakay ng bus for almost 16 hours at ferry for 3 hours.

Peaceful bumyahe mag-isa at mas masaya bumiyahae ng my kasama. Kung papipiliin mo ko sa dalawa, wala akong pipiliin dahil pareho kong gusto yan. Ngayong 2010 bumiyahe akong mag-isa, maraming beses na din ako bumiyaheng mag-isa. May mga oras na nakakalungkot, at may tamang oras naman na enjoy ka sa paligid mo kakatingin sa ng view sa labas. Nakatabi ko ang isang Ale na may kasamang bata. Mukha siyang mabait kasi palangiti. At sa tinagal-tagal ng biyahe isang beses lang kami nag-usap. Sinabi niyang "ang tagal umusad ng bus", ang sabi ko naman "uu nga po eh". Hanggang dun lang ang pag-uusap namin. Kapag nakakasalubong ko naman siya, isang matamis na ngiti ang binibigay ko. Hindi ako madaldal na tao, siguro depende lang yan sa kausap ko. Kung nakikita kong madaldal peru my sense of humor...yun mapapakwento ako. Yung todo kwento talaga tipong matagal n tayo magkakakilala.
Sa mga oras na nilagi ko sa bus sa kakatingin sa paligid, nalaman kong maganda pala din pala ang Pinas. Lalo kung naappreciate ang Buklang Mayon nung nakita ko ito sa daan. Perpekto pa din ang cone nito kahit ilang pagputok na ang naganap. Kaya lalo kong pinagmamalaki ang bicol dahil dun.

Namasdan ko din ang mga tao sa kanilang ginagawa sa araw-araw. Merong naglilinis ng bahay kahit dapit hapon, nag-iinuman sa daan, nagliligawan at marami pang iba. Mas madami akong nakikitang SASAKYAN---> malamang dahil nasa biyahe kami. Napansin ko lang yung ibang driver ng malalaking truck, kung makatingin eh parang di pa sila nakakakita ng tao. Nakakatuwa man, iwasan mo na lang dahil kulang lang sila sa pansin. Nakita ko din ang sitwasyon sa loob ng jeep. Ang maglovers ng hawak kamay, mga nakaheadset, mga tulog kahit gaano kabilis ang jeep di sila magising, mga estudyante, mga nagtatatrabaho at marami pang iba.

Sa biyahe ko ngayon, higit sa tatlo ang stop over...isama pa ang matinding traffic. Kumain lang akong yakisoba noodles nung unang stopover namin. Umupo ako sa bilog na mesa kasama ang dalawang babae na pasahero din ng bus na sinsakyan ko. Masarap ang kinakain nila KFC-fried chicken. Hindi naman ako nainggit dahil iniisip ko masarap naman ang yakisoba. Habang kumakain kami lumapit samin yung mamang nagtitinda ng alahas na
sigurong naisip niya itinda. Inalok niya ako, anu pa ba sasabihin ko syempre wala ako pera. Sa pangalawa sa tingin ko eh korean made lang naman, nagtitinda rin siya ng patalim, flashlight, belt, wallet, walkman at kung anu-ano pa ng stop over hindi ako bumaba ng bus para magCR. Sa katunayan naiihi na ako nun. Maraming beses ko inisip kong baba na ba ako hanggang sa naisip ko n bumaba...biglang umakyat ang driver ng bus. Tamaan ba naman ng kamalasan o buti na lang napigil ko pa hanggang sa pangatlong stop over. Doon na talaga ako umihi. May bayad ang CR, 5 pesos. Sa mga ganung pagkakataon hindi ko na iniisip niyan kung malinis o madumi man ang CR, basta ang goal ko lang eh mailabas na itong excess fluid sa katawan ko. Maraming sumunod na stopover. Di ko nga maintindihan yung driver eh, siguro madami din siya asawa..hehe joke lang! Nakarating kami ng TABAKO pier ng 6am ng umaga.

Pagkadating na pagkadating ko sa pier kumuha agad ako ng ticket sa barko. Hindi naman mahaba nag pila, ako nga una eh. Pagkatapos ko kumuha ng ticket, kumulo yung tiyan ko..kaya nagdecide akong maMILO muna sa labas, panghimagas lang. Kasabay nun bumili na din ako BONAMIN. Lagi-lagi na yun basta't sasakay ako sa barko. Napatunayan ko ng epektibo ang gamot.

7am ang alis ng bus. Unexpectedly, nakasabay ko sa barko yung isa kong classmate nung highschool. Naging maganda ang biyahe ko sa barko dahil makwento itong kaibigan ko. E ako pa naman ayaw kong nagsasalita sa habang bumabiyahe sa barko baka masuka ako. Pero mas okey din pala kapag may kasama ka at least wala ka ng pangamba kung masuka ka man. Dahil hindi ka nag-iisa sa kahihiyan. Marami susunod niyan, amoy pa lang ng suka nakakasuka na..=)

Nakarating akong bahay sa oras na 12am>

No comments:

Post a Comment